Friday, September 29, 2006

Ang Bagyo

Akala ko bagyu-bagyuhan lang. Akala ko exagg naman sila para i-suspend ang classes (all levels). Naisip ko siguro sa manila lang malakas but no!!! bagyo nga ito. Parang ito ang pinakamalakas na bagyo na na-experience ko. Yesterday am, ang problema ko lang walang kuryente, naka-generator lang kami. Tapos nagfluctuate ang kuryente. Hindi kinaya ng generator ang bagyo, nasira.:( Ang sabi ko sa sarili ko ang hirap namang mag-sudoku sa dilim. I decided to take a nap since maaga pa naman at wala namang pasok. Grabeh, nakakatakot, feeling ko masisira ang bahay namin. Mej nagsheshake yung 2nd floor namin sa lakas ng hangin tas naririnig ko pa yung hangin, parang matatanggal ang mga yero namin. Haha!:) Tapos bumaba ako, hala, nagsisimula nang tumulo ang classrooms. Sabi nga ng pamangkin ko, bakit parang Sampaloc Lake na ang bahay natin? Wala, ibang level talaga ang bagyong 'to. Wala pa rin kaming kuryente. Sira pa rin yung malaking generator and to top it all, wala pang tubig. Haaay! oh, well... mag-su-sudoku na lang ako ulit.

No comments: