Kahapon at ngayon... mukhang madrama ito. Kahapon, nagcheck ako ng test paper 'til lunchtime. After lunch, I left for QC. Tapos, I went straight to the chapel. Nakita ko si Anne. Palagay ko sya si Anne. Hindi ko kasi maalala itsura ni Anne, mga 5 times (or less) ko pa lang sya nakita (ever!). Basta, yon. Hindi ko sya kinausap though. Tiningnan ko agad si Sir. Maganda ang costume ni Sir. Hindi sya yung normal barong, parang may robe sya na blue. Ganon yata pag guro ka. Feeling ko tumaba sis Sir. Pwede rin namang bloated lang sya dahil sa mga kemikal na nilagay sa kanya nung inembalsamo sya. Hindi ko alam. Matagal ko na rin namang hindi nakikita si Sir. Natuwa nga ako nung nakita ko si Sir sa JOY commercial.:) Wala lang. Nakakatuwa kasi showbiz talaga si Sir.:) Hindi na lang sya pang-coliforms sa Boracay, pang commercial pa ito.:) At saka kasi dati, hindi pa gumagamit si Sir ng JOY. Sa totoo lang kung tatanungin mo ko dati, kung magiging endorser si Sir ng isang produkto, palagay ko TIDE yon. Oo, sobrang maka-TIDE si Sir. yung mga glasswares na ginamit namin, binababad namin yon sa tide overnight as part of the decontamination process. Dahil detergent ang tide, nala-lyse yung cells. Di ba?:) Wais!:) Kung sa markers naman, sabi ni Sir, yung Sharpie daw ang gamitin namin. Brand specific si Sir. Yun yung mga tried and tested nya.:) Going back to JOY... Ako kasi JOY ginagamit ko for washing glasswares. Si Ate Bets, Axion. Tas syempre iniiwan na namin don yung dishwashing liquid since hello, dadalhin pa ba namin yon araw-araw!?:) Tas eventually nadiscover ni Sir ang paggamit ng dishwashing liquid. Natuwa sya sa JOY.:) Lalala... mami-miss ko ang lab ni Sir. There was a time na 8am-12 midnight nagla-lab ako kahit mag-isa lang ako. Medyo scary sa Pav4 pero care ko. Solong-solo ko ang Pav. Ay, hindi pala. Usually, nasa baba si Sir H. kaya malakas ang loob kong umuwi ng late... may maghahatid sakin sa Philcoa. But no, minsan pagbaba ko wala nang tao, at hala, wala nang sasakyang dumadaan sa loob ng UP. Anong ginawa ko? Naglakad ako to Philcoa. Crazy, noh? Crazy naman ako eh. Pero napraning ako non, sobra. Though may mga nakakasabay naman ako maglakad. Pero yun nga, natatakot rin ako sa kanila. hahaha!:) The next day naman, wala na naman si Sir H pagbaba ko. Anong ginawa ko? Umakyat na lang ulit ako. Sa lab nako natulog. Hahaha!:) Sabi naman ni Sir Barraquio dun na lang kami matulog pag late na kasi nga daw delikado. Sobrang parang daddy talaga si Sir. Oo, napapagalitan nya rin kami kaya minsan natatakot kami kay Sir at ayaw naming magwork mag-isa. Ayaw rin ni Sir ng makulit at mabagal magtrabaho. Eh makulit ako, paulit-ulit tanong ko. Wala, natatakot kasi ako nung una, baka magkamali ako. Hehe!:) Napagalitan ako ni Sir over the phone. Tinext ko kasi si Sir kung anong size ng test tube gagamitin ko, hahaha!:) Napatawag si Sir, landline pa ito... long distance pa! Heeh!:) Pero thrice lang yata nya ko napagalitan. Yung isa kasi, nagcrack yung glass nung hood. Heeh!:) Grabeh, napraning ako sobra non. Hindi ko alam ang gagawin. Sembreak pa naman non. Yung isa naman kasi late nako dumating sa house nila sa LB para magpacheck ng thesis stuff. I got there mga around 7:30 or 8:00am. Eh papunta pang Diliman si Sir. Madami rin daw naghihintay sa kanya. There. Pero yon. I ended up sending Sir my Thesis yada tas sya na yung nag-edit diretso. Tas natuwa naman sya sa thesis ko. Aaaw!:) Sabi nya yung thesis ko lang daw yung na-edit nya talaga. Natuwa din si Sir sa picture ng bioluminescent bacteria ko.:) My vibrio!:) Sabi nya nga baka daw pwedeng pang-best thesis yon.:) Kaya lang hindi ko napa-bind right away kaya hindi rin nasama sa pagpipilian for best thesis. Well, ang masaya lang anman talaga sa thesis ko dahil... they glow in the dark. Hehehe!:) Grabeh hirap ko don ha, nagdumi-dumi damit ko sa kasusuot ko sa loob ng cabinet para malaman kung nag-glo-glow nga sila. Hehehe!:) At saka mahirap macapture on film ung pag fluoresce nila. Salamat sa digicam (sa G3), napicture-ran din ang aking mga alaga.:) Hay naku, I wonder kung buhay pa ang mga isolates ko. Napabayaan ko kasi pero nag-iwan naman ako ng in oil. Palagay ko ni revive sya ni Sir. Kasi tinanong nya sakin yon dati kung alin yung bioluminescent, gusto nya yun eh. Sana buhay pa sila. Pero naisip ko rin kung buhay pa sila, sino nang mag-aalaga sa kanila? Who will take over the lab? I have no idea. Sayang naman yung lab, akin na lang. Hahaha!:) Dream kong magkaron ng sariling lab, promise. Ang crazy pero gusto ko talaga. Enjoy akong mag-lab mag-isa. Ay, naalala ko pa sabi ni Sir dapat daw matuto akong uminom ng kape kung gusto kong mag-MS kasi daw palaging puyat. Yung mga ganong bagay naiisip ni Sir yon kaya nakakatuwa lang rin.:) Sobrang masaya si Sir pag nagkwekwento sya or nagsasabi sya ng mga ganong things. Masaya as in yung kita mo sa eyes nya na happy sya. Ah, eto pang winner na payo ni Sir sa'min. Magboyfriend daw muna kami before kami mag-MS/PhD. Malungkot daw kasi pag mag-isa lang. Tas syempre ikwekwento nya yung sila ni Mrs. Barraquio dati.:) Basta sabi ni Sir masaya daw ang may pamilya. Gusto ni Sir magkaron din kami ng sariling pamilya. Wala lang.:) At saka ang isa pang turo samin ni Sir, wag masyadong mga hotdogs, ham and canned goods. Nitrifiers!:) Tama ba? Hindi ako nitrogen cycle eh, carbon cycle ako. At saka may mini Christmas party pa kami dati. Nilibre kami ni Sir. Nagpadeliver sya, Kenny yata yon. Paqlagay ko. Nakalimutan ko na eh.:) Sobrang sayang. Dapat tuturuan pa kami ni Sir ng Science of Photography. Hobby ni Sir yon eh. Photography and carpentry, yun ang mga trip ni Sir. Idagdag mo pa microbiology, hehe!:) Sayang din, dapat nag-PSM nako. Excited si Sir nung nalaman nya na interested akong magjoin kasi dati nga sya yung parang magiging next na president. Sayang. Yung isang birthday ni Sir pinadalhan pa namin sya ng cake (Devil's foodcake... pero 2003 pa yata yon. After that wala, hindi na ulit kami nakapagpadala ng gift kay Sir o kaya card.:( Nakakaguilty. Nawala pa naman yung phone ko dati kaya wala na rin akong number ni Sir kaya hindi ko na sya natetext/ nagri-greet.:( Dream ko pa naman na pag free ako ng summer, mag-RA ako kay Sir kahit for free. Wala gusto ko kasi talagang mag-lab lang. Research.:( Pero yon, too late. Wala na si Sir.:( Kung ginusto kong maging microbiologist dahil kay Sir yon. Oo, masaya ko kay Maam Ana dati pero I must admit, sa lab talaga ni Sir ako gumaling sa lab techniques. Buhay ko yon dati eh.:) Oh, and first time ko na-try magturo sa lab ni Sir. I had to teach the highschoolers (4thyr Pisay kiddos) stuff like how to inoculate yata or maybe perform MPN at saka how to use the autoclave in pav4. Hehe!:) Feeling RA ako dati eh. Si Jay-Ar naman kasi parang friend lang namin. Hah, Andy, naalala mo pa ba yung hinuhulaan natin kung ano yung results nung mga biochemical test... yung nasa slants ni Jay-Ar. Yung iba-ibang colors. Hehehe!:) Wala, nakaka-miss. Hay, naku. Drama. So yon, naiyak ako sobra nung nakita ko si Sir. Idol ko yun eh.:(
After ko kay Sir, pumunta ko sa Balai. Nagdeliver ako ng 1/2 cavan of Sinandomeng, blue slippers (flip-flops kung sosyal ka), at saka 3000-pcs na puzzle. May meeting si sister at nagmamadali rin ako. Feeling ko mga 10 minutes lang kami don, hehe!:) After that, nag-SM ako. Hahaha!:) Of all places, SM, oo! Eh sa namiss ko na SM at saka mas sanay talaga ko sa SM eh. DI ba? After that, to my bro naman in Manila. Buhuhu... nakakasenti. Dumaan kami sa West Ave... tapos sa Baler... hah, nakita ko Mendoza St... waaah!!! na-miss ko yung apartment. I spent like 10 years of my life there. Anyway, na-touch ako. Binilhan ako ng bro ko ng oatmeal cookies... Aaaw! Siguro more than 7 months nakong hindi nag-o-oatmeal cookies. Imagine that. Yon. After that, to my other bro naman in paranaque. Aba, at si kuya ang nagluto.:) Libre na dinner, I got 2 reversible board shorts pa. Wow!:) Thanks, Rheea and Rica.:) Maliit lang talaga kami kaya kasya sya sa'min/ malaki. Unang tingin pa lang ni lay, sabi nya, ang laki! haha!:) Yon. After that, I went home na at syempre nagcheck ng papel ulit. At saka kumain ng ponkan, hehe!:)
Sige, tapos na ang kahapon. Ngayon naman.:) First day ng mga bata. Kulit na kulit mode na naman sila. Si Ma'am Ansel na ang naghatid kina 'deline kasi wala na si Ape Beh. Yon. Dumating si T. Leovy pero late na rin, konti na lang bata. Si T.August, nilamon na ng Central. Hahaha!:) Hindi sya dumating.:) Sa HS, wala, pareho pa rin. Kulit.:) Aaah, nagdistribute ako ng late Magandang Pasko gift ko sa mga co-teachers ko. Dahil creative ako puro pillows ang binili ko, hahaha!:) Natuwa anman sila. Nawa'y hindi sila bangungutin pag natulog sila with that... haha... hindi naman siguro ko pang bad memories, di ba? Yung tipong ayaw na nila itabi yung pillow kasi naiisip nila ko at ang madami kong favor/ utos, hahaha!:) Pero wag rin naman sana nila kong masyadong maisip pag ginagamit nila yung pillllow, SCARY.=p Ano pa? Yey, nakabili nako ng solution. Wawa na kasi eyes ko, nadra-dry na. At saka... bagong gupit! Hahaha!:) Sulit ang paghihintay ko kahit naimbyerna ko mej sa kahihintay... ang tagal... ang daming tao... last customer ako... haaay! At saka, ang kilay! Hahaha!:) Funny, everytime na nagpapathreading ako, tinatanong ako kung sanay daw akong magpathreading. I tell them na ok lang. Tas kanina naisip ko, ilang taon na nga ba kong nagpapathreading 4? 5? I don't know. Dati kasi wax lang tapos may one time na brownout sa SM, hindi makapag-melt ng wax kaya threading na lang. Hehe!:) Naisip ko mas feel kong threading. Yon. Ang daldal ko.
Super haba nito. Naisip ko lang kasi baka na-miss na ng mga tao kung pa'no ko magsalita. Read this and kung kilala mo ko, ma-imagine mo na ko na nagsasalita... as in parang, you can hear me talking. Ganon. Grabeh. Promise.:)
May nakalimutan pala ko, nag-slurpee ako kanina. Hahaha!:) sasabihin ko sana na unang slurpee ko this year tas naisip ko, hindi pala. 2nd.:) Dapat i-lessen ko na slurpee intake ko. Mga once a week or kung pwede every other week na lang. Bad kasi for my health. At saka feeling ko sobrang under "junk food err... beverage?" category sya. At saka feeling ko nakakataba sya blahblah and so on. I need to lose weight (err... nah... just to tone my muscles... need exercise).
game! The End!:)
Wednesday, January 04, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
ooops sorry, na-delete ko yung naunang comment :)
yup, kenny rogers nga yung pinadeliver nya. may ice cream pa. di ba ayaw pa nga nating pumunta nung una (o baka ako lang yun) kasi magrereport pa muna tayo tungkol sa nagawa natin sa thesis tsaka puyat tayo dahil galing tayo sa block christmas party kina betsy :)
tapos naalala ko nung biogyugan, ginawa pa nating block dressing room yung lab :)
omg!:) oo nga, noh? sobrang nakaka-miss yung lab. parang bahay na natin yun eh.:) umm... di ko naalala yung part na day after our xmas party pala yon. hehe!:) kahapon, nakita ko na naman yung commercial ni Sir. I wonder kung alam ng JOY people na he passed away already. Sunday na daw interment. I'll try my best to visit him tom.:) I-hi na lang kita kay Sir, hehe!:)
Post a Comment